News

Talambuhay ni Nanay Myra Gealogo

Mapagpalang araw Gota de Leche, Mam Ana, Sir Mark, sa mga staff at sa mga sponsors na walang sawa sa pagtulong at pagbibigay kasiyahan at pag asa sa mga bata at magulang. Ako po si Myra Gealogo at ang aking anak ay si Nina Betina G. Alquizalas, 6yrs old, may Down Syndrome at Compound Hyperopic Astigmatism at Subclinical Hypothyrodism. Nung ipinanganak ko si Niña, diagnose agad sya na may down syndrome, may heart problem (PDA) at may pneumonia. Ipinanganak ko sya via ceasarian section. Nung nag 2yrs old sya, nagsara na ang kanyang PDA, wala na syang heart problem. Walang araw at oras ako nagdarasal na maging ok na ang heart nya. Sa tuwing magpapa 2D echo sya, lagi akong nagdarasal na ok na, wala ng problema, hanggang sa dumating ang araw na pinakinggan ang aking panalangin. Wala ng problema sa kanyang puso. Kaya laking pasalamat ko kay Lord na ibinigay nya ang isa sa marami kong kahilingan para sa anak ko. Sa ngayon ay monitoring pa rin sya sa kanyang thyroid at optha na isa sa medyo may kalakihang gastusin lalo na sa kanyang salamin na every 6 months ay nagpapalit ng lens.

Laking pasasalamat ko at napabilang kame sa maraming benepisyaryo ng Gota de Leche, dahil malaking tulong ito sa aming mga gastusin. Lalong lalo na sa gatas, bigas at sa marami pang bagay na naibibigay at naitutulong nito sa amin. Napakahirap para sa amin ang pag ba budget sa maliit na kinikita ng aming padre de pamilya na isang laborer. Na kung minsan ay mas marami pa ang bakasyon kesa sa may pasok. Maraming maraming salamat sa Gota de Leche, napaka laking tulong talaga sa anak ko at sa aming pamilya at sa nakararami. Dalangin ko na manatili pa rin kame sa inyong programa. Napakalaki ng utang na loob namen sa Gota de Leche at sa inyo Mam Ana, Sir Mark at sa mga staff, ang babait po ninyong lahat. Dalangin ko po na mas marami pang sponsors na dumating para mas marami pa kayong matulungan na kagaya namen na hikahos sa buhay at hindi sumasapat ang kinikita para sa pamilya. God bless us all. Gota de Leche is 💖💖💖