News

Talambuhay ni Nanay Jen Casimiro

Una, gusto ko pong magthank u sa inyo at sa lahat ng bumubuo ng Gota de Leche.. Ang laking bagay sa mga anak ko yun mga nakukuha kong food sa inyo..

Isa po akong single parent. Tatlo po ang anak ko. Totally abandoned po ang mga anak ko sa tatay nila. Kaya naman natutuwa ako pag nagpupunta sa Gota dahil pagbalik ko may dala na akong food. May natulong naman sa amin pero di sa lahat ng oras meron. Ngayon nandito po kami nakikitira bahay ng kapatid ko kasama ang senior kong magulang.. Si mama 70 years old na. Si papa turning 80 years old..

Sa totoo lang grumaduate naman ako ng college. Pinag-aral ako ng 4 year course pero feeling ko naging failed ako simula nung wala na akong partner. Dati kasi nakakapagwork pa ako sa isang private company dahil may magtitingin sa mga bata. Iniisip ko nga san kaya foundation may tumatanggap kasi malaking tulong sakin yun. Thank you Gota de Leche sa mga naitulong nyo sa akin.