News

Talambuhay ni Nanay Mary Jean

Maraming salamat po. Ako po c nanay Mary Jean Benavente at ito ang aking talambuhay. Ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa Gota de Leche at isa po si Princess Emary sa beneficiary po ng Gota. Sya ay may Diagnosis na CHD,VSD, PDA (butas sa puso), Myelomeningocoele post Repair (bukol sa spine) at Clubfoot din po ang kanyang mga paa since birth po ganyan na po cya.. Bilang isang magulang ni Princess ay sinikap ko pong maoperahan ang kanyang bukol sa spine na lubos na nagpapahirap sa kanya simula noong cya ay baby pa lamang kaya talaga pinagsikapan ko po na maopera cya noong 8 months old baby pa lamang po cya.. na cyang sanhi na nanganib ang kanyang buhay.. na yun doon sa operang yun ay pilit cyang lumalaban dahil may butas din po cya sa puso,.. dahil sa kalooban ng diyos na makasama ko pa sya ay nakipaglaban sya sa kanyang sakit… at lumaban sya s kanyang operasyon sa bukol sa spine. At kung loobin ng diyos ay 2nd operation po nya ay sa kanyang puso naman. At uundergo muna kami ng oral rehab tatanggalin lahat ng bulok nyang mga ngipin at ito ay e general anaesthesia at para kapag nakatapos na sya sa oral rehab ay isusunod naman ang operation nya sa puso.

Bilang isang magulang na mag isang nagtataguyod sa aking anak (Solo Parent) na c Princess ay sadyang napakahirap lalo na ang maibigay ang kanyang mga pangangailangan, lalo na ang gatas, diaper maintenance na gamot sa puso, at vitamins, at lalo na mga medical needs nya. Pangtustos kapag tuwing nagkakasakit.. Pero pilit ko pong kinakaya bilang isang magulang na nagmamahal sa kanyang anak. Ako po ay nag eextrang maglaba noon para lang may pangkain kami araw araw, at nagtinda tinda sa bahay ng mga basahan, diswashing liquid at kung anu anu pa para may pagkakakitaan at pambili ng kanyang pangangailangn. Kaya napakalaking tulong po sa akin ang Gota de Leche sa kagaya ko pong mag isang nagtataguyod sa aking anak napatuloy na lumalaban sa hamon ng buhay. Basta laban lang din si Princess dahil sya po ang inspirasyon ko na yun nga po ang sinasabi ko sa sarili ko basta laban lang si Princess, laban din ako wala akong karapatang sumuko.. dahil kahit sinabi ng doctor noon na 2 years ko lng daw makakasama si Princess pero 6 years old na po sya ngayun na patuloy na lumalaban sa sakit nya kaya patuloy din po akong lalaban para sa kanya. Sana patuloy pa din pong mapabilang c princess sa Gota de Leche at yan po ay buong buhay ko pong ipapagpapasalamat po sa Gota de leche, at kay Maam Ana. Maraming salamat po, sa mga staff, kay sir Mark, at sa mga sponsor po na walang sawang tumulong po sa aming mga anak. Maraming salamat po sa love and support nyo po sa aming mga warrior baby na patuloy din pong lumalaban sa kanilang mga karamdaman. Thank so much po! God bless and more power Gota de Leche 🥰🙏🥰🙏

Ang kwento ng buhay namin ni Princess na hanggang ngayon patuloy ang laban.. Relate nga po ako sa mushroom na inalagaan ko na muntik na ako mawalan ng pag asa, pero habang buhay pa ang tao patuloy ang buhay at kailangang lumaban sa hamon ng buhay, gaanu man kahirap,, batbat man ng kahirapan at sakit ng kalooban. Basta manalangin ng taimtim at iibsan ng Panginoon ang lahat ng dalahin at magbibigay ang Diyos ng instrumento para pagaanin ang buhay. At yun… Ang Gota de Leche ang nakatulong po sa amin lalo na po sa gatas na kailangan ni Princess kaya lubos po akong nagpapasalamat sa walang sawang pag assist sa amin. Maraming, maraming salamat po 🥰🙏